Mga latay ng pag-ibig
Author : MARTHA CECILIA
Year : 1997
Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz
sa bayan nila. Unica Hija ng isang ranchero. Kasama
ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas
ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o
inagrabyado ang dalaga.
Hanggang kay Daniel...Ang kaisa-isang lalaking
hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito
ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa
sarili niyang latigo.