top of page

STORMY DESIRE

 

Author:      CARISSA NOBLEZA

Year:           2000

 

       "How many times do i have to tell you that I don't want to see newshounds hanging around Casanova?''

        Dumagundong ang tinig na iyon ni Andrei Mondragon, CEO ng Casanova Group of Companies, sa pandinig ng seductive but feisty journalist na si julianne Rivera.

        Naging obvious tuloy sa dalaga na ang attraction

na dapat magbuklod sa kanila ng binata ay lalo lamang nagpapalayo sa damdamin nila para sa isa't isa.

        Hanggang masuong siya sa isang pangyayari na nagpabago sa kanyang buhay.

        ..na naging daan upang ang stormy desire na kinikimkim nila ni Andrei para sa isa't isa'y sumabog

at sa bandang huli'y paglapitin din silang dalawa.

MAHAL KITA MR. CONSERVATIVE

 

Author:   JASMINE ESPERANZA

Year:       2000

 

               Trina was fascinated by the view that zooming in. Edwin in his work clothes. Sando na nakadikit na sa katawan dahil sa ma-muscle na dibdib na lalo pang humapit dahil sa pagkakabasa ng pawis. Ang short pants na maong ay mas lamang na ang pagkakupas kaysa original nitong kulay. At ang paa'y nasusuutan ng plastic na bota.

               At halos maglabasan ang mga ugat nito sa braso dahil sa bigat ng pasang sako ng darak.

              Oh, my God! I never knew a man could be so gorgeous in his kind of looks! Nag-skip ang tibok ng kanyang puso.

              But the more he ignored her, the closer she got. Matira na ang matibay...

 

 

 

 

REHAS NG KAHAPON

 

Author  :  MAUREEN APILADO

 

Year     :   1995

 

 

 

     Isang kahapon ang napukaw sa alaala ni Thea nang magbalik si Conrad Guerrero na ngayo'y isa nang matagumpay na abogado. Muli'y nanariwa ang sugat na nilikha nito sa puso niya.

      Iniwasan niya ang lalaki, ngunit ang pagkakataon na ang gumawa ng dahilan upang sila'y muling magkaharap.

      Ano ang lihim na kinakatakutan ni Thea na maaaring maungkat sa pagbabalik na iyon ni Conrad?

ONLY YOU

Author  :  MARTHA CECILIA

Year  :  1997

 

        "Maari ko bang hingin ang gabing ito, Nico? Lome, please..."isang araw sinabi ni Erika sa lalaki.

  Dose anyos pa lamang siya ay hindi na niya gusto si Nico; ang anak ng stepfather niya.

  At ang dislike ay nauwi sa hatred nang ilayo siya ni Nico kay cholo nang araw na handa na niyang

 ipagkaloob ang sarili sa kasintahan.

        Ano ang nangyari at tila nagmamakaawa siya ngayong hingin ang pag-ibig ni Nico?

 

(This is a true story)

PAGLUHA MO ANG HANGAD KO
Author  :  JORINA REYES
Year       :  2000
 
            Nagpakilala si Leslie kay russel na siya ang grilfriend nito sa pakiusap na rin ng kanyang pinsang si Cindy na siyang tunay na girlfriend ng lalaki.
            From the very moment na makita niya si Russel, hinangaan na agad niya ito. Kaya parang dinurog ang puso niya sa kaalamang sooner or later ay kakalasan ni Cindy ang lalaking ito. At hindi niya kayang dagdagan pa ang sakit na mararamdaman ng lalaki. Kaya mabuting ngayon pa lang ay tapusin na niya ang lahat sa "kanila" para hindi na ito umasa pa.
           "K-kailangan ko nang umalis, Russel."
             Napabuntong-hininga ito at wala sa loob na naisuklay ang mga daliri sa buhok. "I can't force you to stay here with me can I? I just hope you'll come back tomorrow. Marami pa tayong dapat pag-usapan at ayusin sa pag-alis natin patungong Palawan."
             But to her own surprise, she found herself saying, "I-I'll come back tomorrow."
 
 
 
 

bottom of page